Everything human is pathetic. The secret source of humor itself is not joy but sorrow. There is no humor in heaven.

Home

Bagong sweldo para sa Bagong Empleyado

September 15, 2009

Ito ang saloobin ng isang ganap na mamayan ng Pilipinas, na may karapatan ng magreklamo sa pag taas ng tax, tubig, kuryente, at iba pang normal na nirereklamo ng mga taong naninilbihan o nag tatrabaho para sa ikauunlad at ikatataguyod ng pamilya at para narin sa bansa. Ngunit ang lahat ng yan eh feeling ko “I belong” heheh .. Pero sa totoo lang ako parin ay parang bata na makakatanggap ng malaking regalo para sa Pasko. Kahit nde pa maxadong obvious samen na mga baguhan pa lamang sa trabaho para samin(or baka sakin lang).. anong pakelam ko sa mga yan? basta may sweldo na ko at may trabaho… meron na ko pakinabang sa magulang ko, masaya na ko!


Bago mag graduation: ”pag graduate mo tapos may work ka na… libre mo ko sa unang sweldo mo ha!”
>>>partida nde ka pa gumagraduate nyan ha..

Graduation day: ”hoy!! guyzz alam na.. sa unang sweldo libre ha!”
>>>mga banat ng mga kaklase mo na sa oktubre pa ang graduation.

After graduation: “yehey mag tatrabaho na si potpot, manlibre ka sa sweldo mo ha!”
>>>from sister and company

Job search: “ayan ha tinulungan kita sa mga dapat isagot sa interview! sa sweldo mo ako una mong lilibre ha!”
>>>galing sa nakatatanda kong kapatid na nag turo sa akin ng tamang pag sagot sa mga job interview.

May work na: “may trabaho na si potpot marame pera, manlilibre ka ha”
>>>pangitngiti na sinasabi ng mga kapit bahay na halatang nang uuto lang

Unang sweldo: “oh alam na… yellow cab!”
>>>pang uuto ng mga katrabaho na akala mo hinde cla sumweldo

Sumweldo na: “ako ayyy nde makapag isip ng mabuti”


 Kakacha naman kaya ang mumunti kong sweldo sa lahat ng mga taong nag sabi na ilibre ko sila sa una kong sweldo;

at kung hinde man sa una, may matitira pa kaya sakin sa pangalawa?;

kung pangatlo… teka wag naman hanggang pangatlong sweldo magpapalibre pa kau!?

kaya naman nakapag desisyon na ko at nag isip isip. (uu nag iisip ako noh!) buo at taas noo na sasabihin na.. happy birthday mama eto po una sweldo ko.. sayo nalang u want?  heheheh ^______^V

 Kakalimutan ko na lahat ng nag papalibre heheheh… saka na cla poproblemahin kapag dumating na ang pangalawang sweldo hahah

ika-nga ng magulo kong utak: “Don’t problem the Problem.. let the Problem problem you.!”

Posted by popotxie at 1:02 am | permalink | comments[5]

Mula ng mamulat ang aking mga nag mumurang eyebags sa mata.

September 12, 2009

6:00AM    Uwian nah…!! Excited ang lahat, parang nung college days.. wala nga lang bell! Pero tulad din nung  college may mababait na guard.. at bakit ko nasabing mabait? maganda daw ako eh wahahahah (tulad dati magaling mang bola) at chempre nabola ako wahahah

7:30AM    ”Mama, ano ulam?” unang bati sa nanay kong maganda at bagong gising. Sabay may sisigaw “Popot Chi..! lubong.. Asan? *Kiss sabay Hug*” ang palaging ginagawang pang uuto ng pamangkin kong super kulit.
tapos lamon.. tapos ligo.. tapos tutbush.. open facebuk(patakas lang) tapos lakad lakad..

10:00AM    Ayun nakaramdam na ko ng Peace on Earth matutulog na ko sa malayong lugar. Bago kasi ako makatulog nag lalakbay muna ko patungo sa paupahang bahay ni inang mother na sa ngaun  ay hide out ko na sa pamangkin kong mahilig mang gulo ng mga natutulog na dyosa *ehem*….
Ngunit! Datapwat! Bago ako makarating sa aking patutununguan, kelangan ko munang hanapin ang bonggang bongga Susi ng buhay na nakasabit sa Orange na Lace.. ampnesss pagsubok talga ang dinaranas ko sa pag hahanap non, paano ba naman ang tagapangalaga ng susi na ito ay ang tita ko na bukod sa mahina ang pandinig eh lagi pa nakakalimutan ang mga gagawin.. kaya nga naman nde pede magalit sa kanya.. kasi nga dba pag matanda matampuhin.. di pede magalit heheheh

12:45PM
    ”We were both young when I first saw you I close my eyes And the flashback starts I’m standing…” wah!!! super volume ang cellphone ni mama.. ring ng ring! kaya nga naman naka isip ako ng madaling paraan.. aking tinakpan ng isang katutak na unan na may halong sangkap na kumot ang cell phone ni inang mother.. cguro kung tao un patay na un hahahah.

6:00PM    Hala gabi na papasok na ko, kelangan ko na agad kumilos dahil sampung libo’t walong daan na segundo ang nilalaan ko sa pag aayos sa sarili ko..(kung tama ang aking kalkulasyon heheh bat kasi di nalang sinabi na 3 hours ;p)

8:59PM
    Oha! hinde ako late heheheh pero ang masasabi ko lamang ayyy… nakakatuwang pangyayari ang naganap sa akin sa araw na ito (nakakatawa ba o nakakahiya?)

Pangyayari sa Opisina (more…)

Posted by popotxie at 4:53 am | permalink | comments[3]

Kilala mo ba si Potpot?

September 11, 2009



“Little POTPOT”

 

 

  

 Mula ng namulat ang kaisipan ko, Potpot na ang itinatawag sa akin ng mga nilalang sa sa paligid ko. Mabuti na lamang nang ako’y nag aral nag bago ang ikot ng aking mundo, “Dannie” ito ang mapagpanggap kong palayaw sa iskwela, sa opisina at sang lupalop pa ng milky way (maliban sa bahay, kapit bahay, at mga bahay ng buong mag-anak ko). Ang Dannie ay hango sa pangalan na Dannilyn: mula ito sa pinag dugtong o pinag fusion na pangalan ng aking mga butihin at maarugang magulang na sina Danilo(sa name na Danni) at Erlinda(sa name ko naman na Lyn).

Oha! Bongga! May history ang pangalan ko! Pero ano nga naman ba ang kinalaman ng Potpot dito? Sa ganyang katanungan.. Isa lang ang aking kasagutan.. “Malay ko!”, tamang trip lang ata talaga mga tao sa bahay namin. Bakit kaya Potpot? Kakapraning noh.. Sa totoo lang ayoko ng meaning ng Potpot.

Potpot is a word from Jamaica.. it was actually Put-put pero basa jan potpot.. ang meaning nyan is (search mo sa google kung gus2 mo malaman) heheh.. Basta ayoko ng meaning nyan nakakainis. Pero buti nalang nde tayo taga Jamaica heheh.

Para sa mga taong nagtatanong kung kilala nyo ba si Potpot?

Dapat kilala nyo na!

The next question is..

Nakita nyo na ba si Potpot? :D


 

Posted by popotxie at 2:02 am | permalink | comments[8]